Home NATIONWIDE Tolentino nakipagpulong sa ASEAN sa konkretong programa sa proteksyon, suporta sa manggagawa

Tolentino nakipagpulong sa ASEAN sa konkretong programa sa proteksyon, suporta sa manggagawa

1
0

MANILA, Philippines – Nakipagpulong si Labor Secretary Francis N. Tolentino sa ASEAN Secretariat sa Bangkok para talakayin na gawing konkretong programa ang mga regional labor agreement ng ASEAN para sa proteksyon at suporta sa mga manggagawa.

Ito ay matapos makipagpulong si Labor Secretary Francis N. Tolentino kay ASEAN Secretariat Deputy Secretary-General for the ASEAN Socio-Cultural Community H.E. San Lwin sa giliran ng ASEAN Labour Ministers Meeting sa Bangkok.

Hiningi ni Sec. Tolentino ang patuloy na suporta ng ASEAN Secretariat para isabuhay ang mga outcome documents na inapruba noong ASEAN Chairship ng Pilipinas, kabilang ang mga papalapit na regional activities sa green jobs, skills training, at labor inspection.

Tinalakay din nila ang kooperasyon para protektahan ang mga manggagawa sa platform economy sa pamamagitan ng ratipikasyon ng ILO Convention No. 193, ang paghahanda sa mga manggagawa para sa digital at green jobs, at ang pagpapalakas ng skills at training programs para makasabay sa pagbabago sa workplace.

Kinilala rin ng ASEAN Secretariat ang trabaho ng Pilipinas sa pagsusulong ng mga kasunduan na tumutugon sa job disruptions, nagproprotekta sa migrant workers, nagsusulong ng fair recruitment, at nagpapabuti ng workplace safety para sa mga manggagawa sa informal sector, kabilang ang fishing industry.

Pinag-usapan din ang paggunita sa dalawang mahalagang milestone ng ASEAN sa 2027 — ang ika-20 anibersaryo ng Cebu Declaration at ika-10 anibersaryo ng ASEAN Consensus on the Protection and Promotion of the Rights of Migrant Workers, na parehong inapruba sa Pilipinas.

Nag-propose ang ASEAN Secretariat ng high-level forum para dito, na tinanggap ni Tolentino at dadalhin sa atensyon ng Department of Migrant Workers.

Sinusuportahan ng pagpupulong ang hangarin ng administrasyong Marcos na mas palalimin ang ugnayan sa mga karatig-bansa para makapag-aral ang Pilipinas sa kanilang karanasan, makapagbahagi ng sariling best practices, at mapabuti ang mga programa at serbisyo ng gobyerno para sa mga manggagawang Pilipino. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here