Home NATIONWIDE Tolentino, suportado pagkanlong sa Afghan refugees

Tolentino, suportado pagkanlong sa Afghan refugees

Sen. Francis Tolentino

MANILA, Philippines- Ipinahayag ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino sa plenaryo ang kanyang suporta sa pansamantalang pagkakanlong sa Afghan refugees sa Pilipinas habang naghihintay na sila’y maipadala sa Estados Unidos.

Tinukoy ni Tolentino na ang Pilipinas, sa kasaysayan, ay tinatanggap ang mga refugee, kabilang ang mga Hudyo at Ruso noong World War II at South Vietnamese noong Vietnam War, bilang  pagpapakita ng pangako sa mga internasyunal na makataong prinsipyo at batas.

“As a state party to the 1951 UN Convention relating to the status of refugees and its 1967 protocol, as well as the 1954 UN Convention relating to the status of stateless persons, and the 1961 Convention on the Reduction of Statelessness, the Philippines recognizes the importance of providing protections to individuals fleeing persecution, conflict, and violence. These international instruments establish the rights of refugees and responsibilities of nations to protect them,” sabi ni Tolentino sa plenaryo.

“I trust that this decision is in line with our nation’s values of compassion, solidarity, and international cooperation. This representation is in full support of the hosting of the refugees in the Philippines as a compassionate and solidarity-driven initiative,” aniya pa.

Sa ilalim ng kasunduan, ang gobyerno ng US ay magbibigay ng mahahalagang serbisyo tulad ng pagkain, pabahay, seguridad, pangangalagang medikal, at transportasyon sa Afghan evacuees habang pansamantalang nanatili sa Pilipinas.

Nasa 300 Afghans ang inaasahang pupunta sa Pilipinas at mananatili sa bansa habang pinoproseso ng kanilang Special Immigrant Visa at huling resettlement sa US.

Sinabi ni Tolentino sa kanyang mga kasama, ilang sandali bago ipagpaliban ng Senado ang sesyon ng plenaryo nito noong Miyerkules ng gabi, na ang mga Afghan na ito ay ilalagay sa isang ligtas na pasilidad.

“Ang pupunta po dito ay Afghan refugees. Sila po ay inuusig sa kanilang lugar. Napakahalagang tandaan na tayo ay…buong sumusuporta sa pagho-host ng mga refugee sa Pilipinas,” aniya.

Sinabi ni Tolentino na ang hakbang ay pagpapakita ng paggalang ng Pilipinas sa sangkatauhan at sa internasyonal na obligasyon nito,

Ipinaaalala din niya na kung paanong gusto ng Pilipinas na tratuhin nang maayos ang overseas Filipino sa ibang bansa, umaasa siyang ipagpapatuloy ng bansa ang tradisyon nito sa pagtulong sa mga refugee.

“Ang atin pong mga OFW ay nakatira sa iba’t ibang bansa at sila po ay ginagalang ng mga host country. Sana po ipagpatuloy natin ang tradisyon na pagkalinga sa refugees na kinakawawa, inaapi sa kanilang lugar,” pagtatapos ni Tolentino. RNT