Home NATIONWIDE Top 1 Most Wanted ‘rapist’ nalambat ng mga parak sa Bulacan ops

Top 1 Most Wanted ‘rapist’ nalambat ng mga parak sa Bulacan ops

325
0

Bulacan – Arestado ng mga awtoridad ang Top 1 Most Wanted Person (Provincial Level) sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) sa bayan ng Doña Remedios Trinidad (DRT) nitong umaga ng Oktubre 2.

Sa report ni PCPT Marc Henry SJ Gonzales, OIC ng DRT police station, kinilala ang naarestong wanted na si alyas “Ryan”, 33, residente ng Padre Pio, Pandi.

Ayon sa report, isinilbi sa wanted ang WOA ng DRT police station katuwang ang Regional Intelligence Unit – 3 – Bulacan West PIT bandang 10:00 ng umaga sa Brgy. Camachile, DRT.

Nabatid na ang WOA sa kasong 2 counts ng statutory rape ay inilabas ng Presiding Judge ng RTC Branch 18, Malolos City noong Setyembre 16, 2025 na walang inirekomendang piyansa.

Humihimas na ng rehas sa nasabing istasyon ng pulisya ang naarestong wanted. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here