Home METRO Top 1 Most Wanted ‘rapist’ sa minor sa rehiyon nalambat ng mga...

Top 1 Most Wanted ‘rapist’ sa minor sa rehiyon nalambat ng mga parak sa Bohol

57
0

Bulacan – Arestado sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) ang Top 1 Most Wanted Person (MWP) sa Regional Level sa manhunt operation ng mga awtoridad sa Mabini, Bohol nitong Mayo 2.

Sa ulat ni PMAJ Mark Anthony Tiongson, Officer-in-Charge ng Provincial Intelligence Unit PIU ng Bulacan police, kinilala ang akusado na isang 39 anyos at residente ng Brgy. Longos, City of Meycauayan.

Ayon sa ulat, naaresto ang akusado ng tracker team ng PIU bilang lead unit, sa pakikipag-ugnayan sa Meycauayan police station Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company at Mabini Municipal police station sa Bohol bandang 3:00 ng hapon sa Brgy. Baybayon, Mabini, Bohol.

Nabatid na ang WOA kaugnay sa apat na bilang ng kasong Qualified Rape of a Minor na inilabas ng Presiding Judge ng RTC, Branch 121, Meycauayan City, Bulacan noong Nobyembre 18, 2025 ay walang inirekomendang piyansa.

Dinala ang akusado sa pagamutan para sa physical examination bago isinailalim sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Ipinahayag ni PCOL Jay Baybayan, Officer-in-Charge ng Bulacan Police Provincial Office, ang matagumpay na operasyon ay patunay ng patuloy na pagtutok at walang humpay na kampanya ng kapulisan laban sa mga wanted upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng publiko. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here