Home METRO Top 1 MWP tiklo sa Makati

Top 1 MWP tiklo sa Makati

MANILA, Philippines- Sa pakikipagtulungan ng isang opisyal ng korte, na nagpapatupad ng pagpapaaresto ng mga may kaso o ang tinatawag na Bailiff, sa mga operatiba ng Makati City police, nadakip ang top 1 most wanted person (MWP) sa ikalawang quarter ng 2024 na nahaharap sa kasong rape nitong Biyernes ng umaga, Hunyo 14.

Kinilala ng Makati City police sa kanilang report na isinumite sa Southern Police District (SPD) ang nadakip na suspek na si alyas Danny, 39, isang streetsweeper.

Base sa ulat ng Makati police, inaresto si alyas Danny dakong alas-8:20 ng umaga sa Barangay Poblacion, Makati City.

Naipatupad ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Unit (WSU) ang pagdakip sa suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Makati City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Encarnacion Jaja G. Moya ng Branch 146.

Walang inilabas na kautusan na rekomendasyon ng piyansa ang korte para pansamantalang kalayaan ng suspek na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Makati City police. James I. Catapusan