Home METRO Top 4 MWP tiklo sa Las Piñas

Top 4 MWP tiklo sa Las Piñas

210
0

MANILA, Philippines – Nadakip sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Las Piñas City police ang No. 4 most wanted person (MWP) ng station level Miyerkules ng hapon, Agosto 13.

Kinilala ni Las Piñas City police chief P/Col. Sandro Jay Tafalla ang inarestong suspek na si alyas Amado, 60, residente ng Barangay Talon 3, Las Piñas City.

Sinabi ni Tafalla na ang pagdakip kay alyas Amado ay naisakatuparan sa bisa ng isinilbing warrant of arrest ng mga tauhan ng WSS dakong alas-2 ng hapon sa Mariposa Village, Barangay Talon 3, sa lungsod.

Ayon kay Tafalla, ang pag-aresto sa suspek ay kaugnay sa warrant of arrest sa kasong attempted murder na may Criminal Case No. 25-0836 na inilabas noong Agosto 12, 2025 ni Las Piñas City Regional Trial Court (RTC) Judge Eric Ismael P. Sakkam ng Branch 197 na may kaakibat na rekomendasyon ng piyansa sa halagang P120,000.

Sa pag-aresto sa suspek ay ipinalam sa kanya ng mga operatiba ang kaso na kanyang kinahaharap at binasahan ng kanyang mga karapatan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Las Piñas City police ang suspek habang naghihintay ng commitment order mula sa korte para sa kanyang paglipat ng kulungan sa Las Piñas City jail. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here