San Miguel, Bulacan – Arestado sa operasyon ng mga awtoridad ang 39-anyos na lalaking wanted na sangkot umano sa ibat-ibang klaseng krimen.
Sa report na nakarating kay Bulacan Police director PCOL. Satur Ediong, kinilala ang wanted na si alyas Jimbo, residente ng Brgy. Pulong Bayabas,
Ayon sa report, nahuli si Jimbo ng tracker team ng Provincial Intelligence Unit (PIU), Bulacan 1st and 2nd Provincial Mobile Force at San Miguel police bandang 10:00 ng gabi nitong Enero 23 sa Brgy. Sta. Ines.
Ang wanted ay nalamang kabilang saTop 9 Provincial Most Wanted Person ng Bulacan, Provincial High-Value individual, Top 10 Regional Priority Target under Coplan Kangaroo at itinuturong isa sa mga suspek sa pamamaril at pagpatay sa Brgy. Kagawad noong Enero 27, 2024 sa San Ildefonso.
Nabatid na inaresto ang wanted sa kasong attempted murder na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 19, City of Malolos noong Nobyembre 9, 2022 na may inirekomendang P120,000.00.
Nang maaresto ang wanted ay nasamsaman pa umano ito ng caliber .22 Colt revolver na may walong bala, base na rin sa report.
Sinasabing ang naaresto ay miyembro ng Fernando Criminal gang at isinasangkot sa gun for hire, gun running, robbery hold-ups at illegal drug operations sa Bulacan at kalapit na lalawigan.
Humihimas na ng rehas ang naturang wanted habang nasa kostudiya ng PIU. Dick Mirasol III