Home METRO Torre ‘di nagpatinag sa ulan; todo-ensayo sa bugbugan kay Baste

Torre ‘di nagpatinag sa ulan; todo-ensayo sa bugbugan kay Baste

226
0

MANILA, Philippines – Nag-ensayo sa gitna ng ulan si Philippine National Police (PNP) chief Police General Nicolas Torre III sa Camp Crame nitong Biyernes, Hulyo 25.

Sa katunayan ay tumakbo ng sampung ikot bilang paghahanda para sa kanyang charity boxing match laban kay Davao City Acting Mayor Baste Duterte ngayong Linggo sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila.

“Kahit hindi siya sumipot, may mga sponsor na magbibigay ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyo at baha,” ayon kay Torre.

Ngunit kinuwestiyon ani Baste ang dahilan ng laban at nagbigay ng kondisyon: “Pakiusapan mo ang Pangulo na magsabi na lahat ng halal na opisyal ay sumailalim sa hair follicle drug test. Kapag nangyari ‘yan, sasali ako sa laban.”

Sa kabilang banda, tinawag na palusot ni Baste ang hamon ni Torre na charity event.

“Huwag kang mag-alala Torre, matagal ko na talagang gustong makabugbog ng unggoy.” Dagdag pa niya, “Kung gusto mo lang ng suntukan, bakit kailangan pang idahilan ang charity at baha?”

Nag-ugat ang tensyon matapos pangunahan ni Torre ang pag-aresto sa ama ni Baste na si dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso kaugnay ng warrant ng International Criminal Court para sa kasong crimes against humanity. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here