Home NATIONWIDE Hatol ng World Court: Climate finance at accountability ipinanawagan

Hatol ng World Court: Climate finance at accountability ipinanawagan

240
0

MANILA, Philippines – Pinagtibay ng International Court of Justice (ICJ) ang isang mahalagang advisory opinion hinggil sa legal na obligasyon ng lahat ng bansa, lalo na ang mga bansang may high-emitting at makapangyarihang ekonomiya, na kumilos laban sa pagbabago ng klima.

Sinabi ng Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC) sa isang news release noong Huwebes na ang ICJ, na kilala bilang World Court, ay partikular na nanawagan sa mga pangunahing bansang naglalabas ng carbon na pagaanin ang pagbabago ng klima, protektahan ang mga ecosystem, at pigilan ang nakikitang pinsala sa ibang mga bansa, partikular ang mga pinaka-mahina tulad ng Pilipinas.

Ayon kay ICSC Executive Director Angelo Kairos Dela Cruz, may pananagutan ang mga mauunlad na bansa para sa mga epektong nararanasan natin at dapat silang panagutin para dito. Aniya, ang opinyon ng World Court ay higit na pinalakas ang pangangailangan para sa agarang aksyon mula sa mga makasaysayang responsable para sa pagbabago ng klima.

Ayon pa kay Dela Cruz, ang mundo ay naghihintay pa rin ng tunay na plano upang bawasan ang emissions at makabuluhang climate finance commitments na karamihan sa mga ito ay matagal nang overdue.

Sinabi ni Dela Cruz na sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., umaasa ang mga climate advocates na “makarinig ng higit na pangangailangan ng madaliang pagkilos at ambisyon mula sa pambansang pamahalaan upang matiyak na ang mga komunidad ng Pilipino ay handa at equipped na kumilos sa pagbabago ng klima.”

Sinabi ng ICSC na habang ang ICJ ruling ay walang bisa, ito ay nagdadala ng makabuluhang timbang at maaaring makaapekto sa hinaharap na climate litigation, treaty negotiations, at national policymaking. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here