Home SPORTS Cuadrat bagong head coach ng Azkals

Cuadrat bagong head coach ng Azkals

240
0

INILUKLOK na bilang permanenteng head coach ng Philippine men’s national football team ang Spanish tactician na si Carles Cuadrat.

Una siyang hinirang bilang pansamantalang coach matapos ang pagbibitiw ni Albert Capellas.

Pinangunahan ni Cuadrat ang Azkals sa laban kontra Tajikistan sa AFC Asian Cup qualifiers noong Hunyo, na nagtapos sa 2-2 na tabla.

Ayon sa Philippine Football Federation (PFF), ipinamalas agad ni Cuadrat ang kanyang kakayahan sa unang laban pa lamang.

Bago magtungo sa Pilipinas, naging matagumpay si Cuadrat bilang coach ng East Bengal FC sa India, kung saan nakuha nila ang Indian Super Cup noong 2024.

Isa rin siya sa mga namuno sa Bengaluru FC na nagkampeon sa Indian Super League noong 2019.

Samantala, pinalitan naman ni Miguel Gutierrez si Freddy Gonzalez bilang team manager ng Azkals.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here