Bulacan – Patay ang 17 anyos na binatilyo matapos umanong pagsasaksakin ng kanyang kainumang matalik na kaibigan sa bayan ng Hagonoy.
Kinilala ang kalunos-lunos na biktima na si Ruel habang ang suspek nakilalang si alyas Ghe, 17 kapwa residente ng Brgy. Abulalas
Sa report ng pulisya, nangyari ang insidente bandang 12:10 ng madaling araw nitong Pebrero 20 sa naturang lugar.
Ayon sa imbestigasyon, sa kasagsagan ng inuman ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ang suspek ng butterfly knife (Balisong) at walang kaabog-abog na sinaksak ang biktima.
Agad dinala ang biktimang may dalawang saksak sa dibdib sa ospital para sa paunang lunas subalit binawian din ng buhay kalaunan.
Sinasabing nag-viral sa Facebook ang naturang insidente at maraming hindi makapaniwalang mga kakilalang netizen sa nangyari dahil matalik na magkaibigan ang dalawa.
Nahaharap ang menor de edad na suspek sa kaukulang kaso habang nasa kostudiya ng mga awtoridad na nakakasakop sa kanya. Dick Mirasol III