Home NATIONWIDE Tourist arrivals sa Western Visayas lumago ng 10.25%

Tourist arrivals sa Western Visayas lumago ng 10.25%

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Western Visayas ng 10.25 percent na pagtaas sa tourist arrivals noong 2024 na lumikha ng P74 bilyong tourism revenue, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Sinabi ni Tourism Regional Director Crisanta Marlene Rodriguez, na ang rehiyon ay may mahigit 5.9 milyong tourist arrivals noong 2024, mas mataas sa 5.36 milyong arrival noong 2023.

Aniya, ang rehiyon ay may kamangha-manghang growth rates, kung saan naitala sa Capiz ang pinakamalaking pagtaas sa 43.73 percent.

Dagdag pa ni Rodriguez, 603,171 sa tourist arrivals ay mga dayuhan at overseas Filipino tourists.

“These achievements stemmed from strategic initiatives championed by the DOT focused on innovation, inclusivity, and sustainability,” aniya.

Naitala sa Aklan, kung saan matatagpuan ang Boracay, ang total arrivals na mahigit 2.2 milyon bagamat nairehistro rito ang pinakamababang paglago sa 0.09 percent.

Sa kabila ng pagbaba sa domestic visitors, nananatiling 2.13 percent na mas mataas sa pre-pandemic levels ang bilang ng mga turista sa rehiyon.

Idinagdag ni Rodriguez na tumanggap ang Boracay Island ng 17,292 visitors mula sa siyam na cruise calls noong 2024.

“As of February this year, we have already received seven cruises, including two maiden cruises with around 12,654 passengers,” aniya.

Nagpapatuloy naman ang usapin sa pagbusisi sa tourism-related fees sa Boracay, kasunod ng puna ng ilang stakeholder na masyado itong mataas. RNT/JGC