Home NATIONWIDE Toxic watchdog sa content creators, sellers: Nakalalasong beauty products ‘wag ibenta, ipromote

Toxic watchdog sa content creators, sellers: Nakalalasong beauty products ‘wag ibenta, ipromote

Hinihimok ng toxic watchdog ang mga content creators at online sellers na alisin ang social media content, mga advertisement, at mga listahan na nagpo-promote ng mga ipinagbabawal na mga produktong pampaganda ng balat na naglalaman ng mapanganib na mercury.

Sa pagsubaybay ng BAN Toxic sa social media , nagsowalat n ang mga ilegal na produkto sa pagpapaputi ng balat ay patuloy na malawak na ina-advertise at ibinebenta online sa pamamagitan ng mga platform tulad ng TikTok at Facebook Reels, pati na rin ang mga e-commerce sites gaya ng Lazada at Shopee.

Marami sa mga produktong ito ay naglalaman ng mapanganib na mercury, na nagdudulot ng malubhang panganib sa kalusugan ng mga mamimili.

Noong nakaraang taon, bumili ang grupo ng 50 skin-whitening beauty products online at na-screen ang mga ito gamit ang Vanta C Series XRF Handheld Chemical Analyzer.

Apatnapu’t apat ang nagpositibo sa mercury, na may mga antas na mula 7 parts per million (ppm) hanggang sa nakababahala na 67,400 ppm—higit na lumampas sa 1 ppm na limitasyon na itinakda ng ASEAN Cosmetics Directive.

Tatlumpu’t tatlo sa mga produktong ito ang may umiiral na mga public health advisories na inisyu ng Food and Drug Administration (FDA) mula 2013 hanggang 2024 dahil sa naglalaman ang ng ito ng mercury.

Ayon sa World Health Organization, ang mercury ay kabilang sa top ten chemicals ng pangunahing public health concern kahit maliit na na halaga ng pagkakalantad ay maaaring magdulot ng malubhang problema sa kalusugan, na nagdudulot ng mga panganib sa pag-unlad ng fetus at maagang pagkabata.

Ang mercury ay maaari ding magkaroon ng mga nakakalason na epekto sa nervous, digestive, at immune system, gayundin sa mga baga, bato, balat, at mata.

Nanawagan ang toxic watchdog sa talamak na misinformation sa mga nakakalasong produkto na sa kabila ng pagiging iligal dahil sa mercury content ay patuloy silang ibinebenta sa mga mapanlinlang na pahayag na naglalagay sa panganib sa mga mamimili.

Ayon pa sa BAN Toxic, ang pag-alis ng Meta sa fact-checking labels mula sa Facebook at Instagram ay lalong nagpaalala sa problema na nagpapahintulot sa misinformation para ikalat ng hindi nasusuri.

Hinihimok ng BAN Toxics ang mga social media platforms ,online sellers at content creators na tigilan ang pagkalat ng misinformation at maging responsible sa kaligtasan ng mamimili.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)