Home NATIONWIDE TPO na inisyu ng Davao RTC pabor sa KOJC pinawalang bisa ng...

TPO na inisyu ng Davao RTC pabor sa KOJC pinawalang bisa ng CA

Wala ng saysay ang Temporary Protection Order (TPO) na inilabas ng Davao City RTC Branch 15 para maharang ang mga pulis sa pagalugad sa loob ng compound ng Kingdim of Jesus Christ (KOJC).

Sa limang pahinang kautusan ng Court of Appeals, pinawalang saysay nito ang inisyu na TPO ng Davao RTC.

Ayon sa CA, walang kapangyarihan si Davao RTC Branch 15 Judge Mario Duaves para kilalanin ang kaso at magpalabas ng protection order laban sa operasyon ng pulis upang mahuli si Pastor Apollo Quiboloy.

Iginiit ng CA na itinalaga na ng Supreme Court ang QC RTC para dinggin ang mga kaso laban kay Quiboloy.

Ayon sa Appellate Court, hindi dapat na magkaroon ng salungatan ang dalawang kautusan ng hukuman.

Mistula aniyang panlilinlang sa mandato ng Korte Suprema ang ginagawa ng Davao RTC kung papayagan ito na ituloy ang pagdinig sa isinampang mosyon ng kampo ng KOJC.

“The public respondent should have stayed his hand in the amparo case to prevent any semblance of bias or influence—the very evil sought to be prevented by the Supreme Court”. TERESA TAVARES