MANILA, Philippines- Nadakip ang isang transwoman sa Cavite dahil sa pagpapakalat ng nude photos ng dati niyang partner sa kanyang mga kaibigan at kaanak, ayon sa Philippine National Police (PNP) – Anti-Cybercrime Group (ACG) nitong Biyernes.
Sinabi ng ACG na naaresto ang suspek na si alyas “Jerica” sa isang entrapment operation sa isang drive-in hotel sa Bacoor City nitong Martes ng gabi.
Inilahad ng biktima na nag-video call sila ng 22-anyos na suspek at nagpalitan ng pribadong larawan at video, base sa mga pulis.
“After their relationship ended in July 2024, the suspect retaliated by sharing the intimate contents with the victim’s friends and relatives,” anang NCRPO.
“The suspect then demanded a meet-up with the victim promising to delete the compromising materials only if he would agree to have sexual intercourse at a hotel,” dagdag nito.
Dahil dito, nahaharap ang suspek sa reklamong grave coercion sa ilalim ng Revised Penal Code at paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
“Avoid sending explicit photos or videos to anyone, as it could be exploited against you,” pahayag ni ACG chief Police Brigadier General Ronnie Francis Cariaga.
Hinikayat ni Cariaga ang mga biktima ng coercion o online abuse na magsumbong sa pinakamalapit na ACG office upang agad itong matugunan. RNT/SA