ANGADANAN, Isabela – Parang aso na kinatay ang isang binata matapos saksakin sa leeg ng kanyang pinsan na lango di umano sa alak sa Brgy. Centro 1. Angadanan, Isabela.
Kinilala ang biktima na si Joseph Cave, 49 anyos jabang ang suspek na pinsan din nito na si Rolito Ramil, 53 anyos, magsasaka na kapwa magsasaka sa naturang lugar.
Galing umano ang dalawa sa isang kaarawan para makipag inuman ngunit pag uwi ng biktima ay agad na sinundan ng suspek.
Nang maabutan ay inundayan ng saksak sa leeg ang bikyima na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Napag-alaman na mayroon ng dati alitan ang magpinsan hanggang sa lumalim at nitong huli ay nauwi sa patayan.
Agad naman naaresto ng pulisya ang suspek na pansamantala nasa piitan na ng pulisya. (Rey Velasco)