MANILA, Philippines – Napag-alaman ng Sandiganbayan ang dalawang dating executives ng Technology Resource Center (TRC) na guilty ng graft at malversation of public funds dahil sa hindi makatarungang paglipat ng nasa P20 milyong halaga ng pork barrel sa tatlong nongovernmental organizations (NGOs) noong 2007.
Si Dennis Cunanan, na nagsilbing TRC deputy director general, ay hinatulan sa lahat ng apat na counts sa graft at malversation, habang si Maria Rosalinda Lacsamana, program manager ng ahensya, ay naconvict naman sa three counts sa graft at malversation.
Hinatulan din si Rolleo Ignacio, executive director ng Dr. Rodolfo A. Ignacio Sr. Foundation, Inc. (DRAISFI), isa sa tatlong NGOs na na-tap ng TRC upang isagawa ang panukalang livelihood projects sa ilalim ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni dating Manila Rep. Joey Hizon.
Si Hizon umano ang nag-endorso sa DRAISFI at isa pang NGO na Magpakailanman Foundation Inc. (KMFI), para tumanggap ng P5 milyon bilang project implementers.
Nakatanggap din ng ponding P10 milyon ang NGO na Kabalikat sa Kalusugan at Kaunlaran Foundation Inc. (KKKFI).
Ayon sa desisyon na may petsang Agosto 8, hindi dumaan sa tamang akreditasyon ang tatlong NGO na inoobliga sa ilalim ng Commission on Audit rules at hindi rin ipinatupad ng tatlong NGO ang proyekto Kahit na natanggap na nila ang pondo.
Ipinunto ng Sandiganbayann na si Cunanan bilang facilitator ng illegal na paglilipat ng PDAF ni Hizon sa pagpirma sa disbursement vouchers. RNT/JGC