CAVITE, Philippines – Isang 28-anyos na tricycle driver sugatan makaraan umanong pagsasaksakin dahil sa pag-ihi sa gilid ng kalsada sa Barangay Yakal, Silang, Cavite.
Sa report, kinilala ang biktima sa alyas na “Justin,” residente ng Barangay Francisco De Castro, GMA, Cavite.
Base sa ginawang imbestgasyon ng pulisya bandang 10:30 ng gabi nang magtungo ang biktima sa Kaong-Bulihan Road habang pauwi sa GMA. Huminto umano siya malapit sa Bulihan Public Cemetery upang umihi.
Napag alaman na habang nasa lugar, nilapitan siya ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na nakasuot ng itim na cap, itim na face mask, at itim na t-shirt, at sinabing bawal umihi roon.
Dahil sa nasabing komprontasyon ,Nauwi umano ito sa mainitang pagtatalo hanggang , bigla umanong bumunot ng isang kitchen knife ang suspek na nakasukbit sa kanyang baywang at inundayan ng saksak ang biktima.
Kaagad na naglapitan ang mga motorcycle.riders na naroon sa lugar kung kaya mabilis itong tumakas patunfo sa hindi pa mabatid na direksyon
Dito na isinugod ang biktima sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital (GEAMH) upang.malappatan ng lunas ang biktima.
Patuloy ang isinasagawang follow-up investigation ng Silang Municipal Police Station para sa agaraang ikadarakip habang Inihahanda rin ang kasong Frustrated Homecide.laban sa suspek. MARGIE BAUTISTA