Home HOME BANNER STORY Trillanes, DILG at PNP nilinaw: Wala pang ICC arrest warrant laban kay...

Trillanes, DILG at PNP nilinaw: Wala pang ICC arrest warrant laban kay Sen. Bong Go

3
0

MANILA, Philippines – Mariing pinabulaanan ni dating Sen. Antonio Trillanes IV noong Huwebes ang pahayag ni Davao City Rep. Paolo Duterte na may inilabas na umano’y arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Bong Go.

Ayon kay Trillanes, siya ang unang naghayag noon ng ICC arrest warrants laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Ronald “Bato” dela Rosa. Aniya, “Don’t believe Pulong. No ICC warrant has been issued for anyone yet,” at dagdag pa niya, “Should a warrant indeed come out later, he definitely won’t know about it, just like his father didn’t know that he had a warrant.”

Nilinaw rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), at Department of Justice (DOJ) na wala pa silang natatanggap na anumang impormasyon tungkol sa naturang warrant.

Samantala, sinabi ni Bong Go na ipinauubaya na lamang niya sa Diyos ang isyu. Ayon sa kanya, “I leave everything to God. In my entire life, I have never broken any human law or God’s law,” at idinagdag pa niya, “Police matters have never been part of my mandate. I hope and pray that the issue regarding the alleged ICC warrant against me will not be politicized,” at tiniyak niyang ipagpapatuloy niya ang kanyang trabaho bilang senador.

Gayunman, iniulat na may naunang ICC arrest warrant na inilabas laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na kasalukuyang nagtatago matapos ilabas ang utos ng pag-aresto. Ang kaso ay may kaugnayan sa kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte na umanong nagresulta sa mahigit 6,000 pagkamatay batay sa ulat ng gobyerno at higit 30,000 batay sa human rights groups, kabilang ang mga bata. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here