Home NATIONWIDE Tropical Depression Huaning malapit nang lumabas ng PAR

Tropical Depression Huaning malapit nang lumabas ng PAR

236
0

MANILA, Philippines – Inaasahang lalabas agad ng Philippine Area of Responsibility ang Tropical Depression Huaning pagsapit ng Lunes ng gabi o Martes ng madaling araw, ayon sa PAGASA.

Sa 11 a.m. update ng ahensya nitong Lunes, Agosto 18, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 553 kilometro silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 70 kilometro kada oras.

Mabagal ang pagkilos ng Tropical Depression Huaning bagamat hindi direktang makakaapekto sa anumang bahagi ng bansa.

Wala ring nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) sa anumang probinsya.

Sa forecast track, inaasahang lalapit sa Okinawa, Japan ang tropical depression pagsapit ng Martes ng umaga o hapon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here