Home NATIONWIDE Tropical Storm Bebinca papasok sa PAR sa Biyernes

Tropical Storm Bebinca papasok sa PAR sa Biyernes

MANILA, Philippines – Inaasahang lalakas pa at magiging isang ganap na bagyo ang Tropical Storm Bebinca na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Biyernes, Setyembre 13.

“BEBINCA is expected to enter PAR on Friday afternoon or evening and exit PAR on Saturday morning. Throughout the forecast, this tropical cyclone will remain far from the Philippine landmass,” saad sa abiso ng PAGASA nitong Miyerkules, Setyembre 11.

“BEBINCA is forecast to intensify into severe tropical storm within 24 hours and may reach typhoon category late Thursday,” dagdag pa.

Huling namataan ang bagyong Bebinca sa layong 1,825 kilometro silangan, hilagang silangan ng Eastern Visayas o 1,955 kilometro silangan ng Southeastern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 85 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 105 kilometro kada oras.

Sa oras na pumasok sa PAR ay pangangalanan itong Ferdie.

Dahil sa naturang bagyo, muli nitong palalakasin ang Southwest Monsoon o Habagat na magdadala ng malakas na pag-ulan sa Bicol Region, MIMAROPA, Visayas, at north western portions ng Mindanao. RNT/JGC