MANILA, Philippines – Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm na namataan sa silangan ng Eastern Visayas.
Ayon sa PAGASA, ito ay pinangalanang Ofel.
Huling namataan ang sentro ng Tropical Storm Ofel sa layong 1,125 kilometro silangan ng Eastern Visayas taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometro kada oras, at pagbugso na hanggang 90 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong west northwestward sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Samantala, namataan naman ang Severe Tropical Storm Nika 150 kilometro kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte. Taglay naman nito ang lakas ng hangin na 95 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 115 kilometro kada oras. Kumikilos ito sa direksyong west northwestward sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Habang ang ikatlong bagyo naman na nasa labas pa ng PAR, ay namataan 2,870 kilometro silangan ng Southeastern Luzon. May lakas ng hangin ito na aabot sa 85 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 105 kilometro kada oras.
Kumukilos naman ito sa direksyong westward sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Magdadala ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang Tropical Cyclone Nika at Ofel sa Ilocos Norte, Cagayan, at Batanes.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
Ilocos Norte
Northern portion ng Ilocos Sur (Lidlidda, City of Candon, Galimuyod, Banayoyo, Burgos, Santiago, Santa Maria, San Esteban, Nagbukel, Narvacan, Caoayan, Santa, Bantay, City of Vigan, Santa Catalina, San Vicente, San Ildefonso, Santo Domingo, Magsingal, Cabugao, San Juan, Sinait)
Northern portion ng Apayao (Kabugao, Pudtol, Luna, Santa Marcela, Calanasan, Flora)
Northern at western portions ng Abra (Tineg, Lagangilang, Bucay, Villaviciosa, Lagayan, San Juan, La Paz, Danglas, Pilar, San Isidro, PeƱarrubia, Tayum, Dolores, Bangued, Pidigan, Langiden, San Quintin)
Western portion ng Babuyan Islands (Calayan Is., Dalupiri Is., Fuga Is.)
Northwestern portion ng mainland Cagayan (Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Claveria)
Inaasahang kikilos ang bagyong Ofel pa-kanluran hilagang kanluran hanggang Huwebes ng umaga bago lumiko pa-hilaga at maaaring mag-landfall sa Northern o Central Luzon pagsapit ng Huwebes ng hapon o gabi.
Habang ang Bagyong Nika naman ay patuloy na kikilos pa-kanluran sa West Philippine Sea at lalabas ng PAR sa susunod na 12 oras. RNT/JGC