Home NATIONWIDE Trump: Giyera kontra Iran, malapit nang matapos

Trump: Giyera kontra Iran, malapit nang matapos

1
0

WASHINGTON — Naniniwala si US President Donald Trump na malapit nang matapos ang digmaan kontra Iran, kasabay ng pag-amin na limitado ang suplay ng ilang uri ng armas ng militar ng Estados Unidos.

“I think it’s going to end pretty soon. I don’t think they can go much longer,” sinabi ni Trump sa mga mamamahayag sa Oval Office noong Huwebes, patungkol sa Iran.

Nauna nang iniulat ng Reuters na nagamit na ng US Army ang malaking bahagi ng pandaigdigang imbentaryo nito ng mga high-precision, long-range missile sa loob ng limang buwang labanan.

Nang tanungin tungkol sa suplay ng mga bala at armas, sinabi ni Trump na halos walang limitasyon ang imbentaryo ng Estados Unidos sa ilang makapangyarihang armas, ngunit kapos ang suplay ng ibang uri.

“We have certain types of munitions that are very powerful, that we have unlimited, virtual unlimited supply. We have others where it’s a little bit tighter,” ani Trump.

Sinabi rin niya na nagtatayo ang mga kompanya ng depensa sa Estados Unidos ng karagdagang production plants, kabilang ang mga pasilidad para sa Patriot at Tomahawk missiles. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here