Home HOME BANNER STORY Trump: Iran nuclear sites binomba ng US forces

Trump: Iran nuclear sites binomba ng US forces

270
0

UNITED STATES – Inihayag ni US President Donald Trump na pinangunahan ng Estados Unidos ang pagpapasabog sa tatlong pangunahing nuclear site ng Iran na Natanz, Esfahan, at Fordow bilang bahagi pag-atake at pagtutol sa pag-develop ng Iran ng nuclear weapons.

Sa kaniyang post sa Truth Social, sinabi ni Trump na lahat ng eroplano ay ligtas nang naka‑alis sa airspace ng Iran at pinuri ang “great American Warriors.”

“A full payload of BOMBS was dropped on the primary site, Fordow. Fordow is gone,” dagdag pa niya.

Nagpadala rin ng B‑2 stealth bombers ang U.S., kasabay ng deployment ng mga Tomahawk missile at “six bunker buster bombs” sa Fordow.

Ayon sa CBS News, ipinaalam ng Amerika sa Iran na planado ang atake at walang layuning pabagsakin ang rehimen.

Kinumpirma ng Israel na nagsanib‑pwersa sila sa Amerika habang tumataas ang bilang ng sibilian na nasasaktan—higit 430 sa Iran at 24 sa Israel—at inamin ng Iran na ang Fordow ay naapektuhan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here