Home NATIONWIDE Trump, Putin nagkasundo sa energy at infrastructure ceasefire sa Ukraine

Trump, Putin nagkasundo sa energy at infrastructure ceasefire sa Ukraine

Nagkasundo sina Pangulong Donald Trump ng US at Pangulong Vladimir Putin ng Russia sa isang “energy at infrastructure ceasefire” sa Ukraine sa kanilang tawag sa telepono.

Napagkasunduan din nilang simulan ang teknikal na negosasyon para sa tigil-putukan sa Black Sea at isang ganap na ceasefire para sa pangmatagalang kapayapaan.

Ayon sa White House, agad sisimulan ang usapan sa Gitnang Silangan. Binigyang-diin din ng dalawang lider ang pagpapabuti ng ugnayan ng US at Russia, ngunit wala pang malinaw na detalye. Ayon sa mga ulat, nais nilang gawing normal ang relasyon ng dalawang bansa.

Hindi pa tiyak ang tugon ng Ukraine sa phased ceasefire plan, ngunit nagpahayag ang Kyiv ng kahandaang tanggapin ang 30-araw na tigil-putukan na iminungkahi ni Trump.

Aminado si Trump na may progreso sa usapang pangkapayapaan, ngunit marami pang kailangang ayusin. Ayon sa mga eksperto, hindi sapat ang isang tawag sa telepono upang maresolba ang gulo sa Ukraine. RNT