Home TOP STORIES Trump sa NATO allies: Cowards!

Trump sa NATO allies: Cowards!

171
0

WASHINGTON, USA – Tinawag ni US President Donald Trump na “cowards” ang mga kaalyado sa NATO dahil sa hindi nila pagsuporta sa military action laban sa Iran upang mabuksan ang Strait of Hormuz.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Trump, “Without the U.S.A., NATO IS A PAPER TIGER!” at “COWARDS, and we will REMEMBER!”

Bagama’t handang tumulong ang ilang bansa tulad ng Britain, France, Germany, at Japan sa pag-secure ng shipping route, wala pa silang konkretong commitment sa military action.

Ang ilan, gaya ng Germany at Italy, ay nais munang matapos ang labanan bago kumilos.

Malaki ang epekto ng sitwasyon sa Strait of Hormuz, kung saan dumadaan ang malaking bahagi ng suplay ng langis sa mundo.

Dahil sa tensyon, tumaas ang presyo ng langis matapos ang labanan na nagsimula noong Pebrero 28 sa pagitan ng US-Israel at Iran. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here