MANILA, Philippines – Nakapagtala ng double digit na pagbaba ang trust ratings nina Vice President Sara Duterte at House Speaker Martin Romualdez sa pinakabagong Pulse Asia survey na isinapubliko nitong Sabado, Disyembre 21.
Si Duterte ay nakatanggap ng trust rating na 49% na isinagawa sa pagitan ng Nobyembre 26 at Disyembre 3, 2024. Bumaba ito ng 12 percentage points mula sa 61% noong Setyembre.
Bumaba rin ang trust rating ni Romualdez ng 10 percentage points sa 31%.
Ganito rin ang nangyari sa approval score ni Duterte na mula 60% noong Setyembre ay naging 50% noong Nobyembre.
Samantala, tumaas ng 8 percentage points ang disapproval rating ni Romualdez, habang tumaas naman ng 11 percentage points ang disapproval rating ni Duterte.
Ang survey ay isinagawa kasabay ng impeachment complaints na inihain laban kay Duterte sa alegasyon ng paglabag sa Konstitusyon, graft and corruption, bribery, at betrayal of public trust. RNT/JGC