Home HOME BANNER STORY Tsina at Pinas nangakong pahuhupain tensyon sa WPS

Tsina at Pinas nangakong pahuhupain tensyon sa WPS

Sina Foreign Affairs Undersecretary Ma. Theresa Lazaro at Vice Foreign Minister Chen Xiaodong ay nagkamay sa ika-9 na Pagpupulong ng Bilateral Consultation Mechanism sa South China Sea sa Maynila noong Martes (Hulyo 2, 2024). Muling pinagtibay ng Pilipinas at China ang kanilang pangako na bawasan ang tensyon sa South China Sea kasunod ng paghaharap malapit sa Ayungin Shoal noong Hunyo 17.

MANILA, Philippines – KAPUWA pinagtibay ng Pilipinas at Tsina ang kanilang pangako na pagaanin ang tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Nangyari ito sa pormal na dayalogo matapos ang marahas na labanan sa pagitan ng Chinese Coast Guard (CCG) at Armed Forces of the Philippines (AFP) malapit sa Ayungin Shoal noong Hunyo 17.

Nagpulong ang dalawang estado sa 9th Meeting of their Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea (BCM) sa Maynila noong Hulyo 2.

Pinangunahan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Ma. Theresa Lazaro ang delegasyon ng Pilipinas habang si Vice Foreign Minister Chen Xiaodong ang delegasyon ng Tsina at nagkaroon ng “frank and constructive discussions” sa naturang situwasyon.

Sinabi ni Lazaro kay Xiaodong na ang Pilipinas ay “relentless in protecting its interests and upholding its sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction in the West Philippine Sea.”

“Noting recent incidents in the South China Sea, both sides recognized that there is a need to restore trust, rebuild confidence, and create conditions conducive to productive dialogue and interaction,” ayon sa kalatas ng DFA.

“The two sides discussed their respective positions on Ayungin Shoal and affirmed their commitment to de-escalate tensions without prejudice to their respective positions,” ang nakasaad pa rin sa kalatas.

Winika pa ng DFA na mayroong “substantial progress” sa pag-develop ng mga hakbang para pangasiwaan ang situwasyon sa karagatan subalit sinabi na “significant differences remain.”

Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye ang DFA nang tanungin kung ano ng uri ng hakbang mayroon ang Pilipinas na isusulong nito at kung ano na ang progresso na nakamit.

Samantala, kapuwa naman sumang-ayon ang dalawang panig na ipagpatuloy ang pag-uusap upang makahanap ng “mutually acceptable resolution” sa mga usapin.

Sinabi pa ng DFA, na nilagdaan ng dalawang bansa ang Arrangement on Improving Philippines-China Maritime Communication Mechanisms at nagkasundo na talakayin kung paano patatakbuhin ang mekanismo.

Nagkasundo rin ang mga ito na patuloy na pag-usapan ang maritime cooperation sa pagitan ng kanilang coast guard authorities, kabilang na ang posibleng pagpapatuloy ng Joint Coast Guard Committee.

Gayundin,pinag-usapan din ng dalawang panig ang posibilidad na magdaos ng isang academic forum sa hanay ng mga siyentipiko at akademya ukol sa ‘marine scientific at technological cooperation.’

“Both sides agreed that continued dialogue on the basis of mutual respect as two equal sovereign states facilitates peace and stability at sea, and committed to having the 10th BCM in China to sustain the positive momentum on discussions,” ayon sa kalatas ng departamento. Kris Jose