Bulacan – Arestado ang isang motorcycle rider matapos mahulihan ng iligal na droga sa isinagawang COMELEC check point sa bayan ng Santa Maria.
Sa report ni Santa Maria chief of police PLTCOL Voltaire Rivera kay Bulacan Police director PCOL Satur Ediong, kinilala ang naarestong suspek na si alyas Jhon.
Ayon sa report ng Santa Maria police, nasabat ang suspek sa kanilang isinagawang check point nitong Enero 26.
Nabatid na pinara ng mga pulis ang rider at nang hanapan ito ng dokumento ay binuksan niya ang compartment ng motor hanggang sa tumambad ang sachet na hinihinalang marijuana.
Dahil dito, agad inaresto ang suspek na sinabihan ng kanyang mga karapatan at mga kakaharaping kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang himpilan ng pulisya. Dick Mirasol III