Home NATIONWIDE Tugon sa ‘power crisis’ sa OccMin tiniyak ni PBBM

Tugon sa ‘power crisis’ sa OccMin tiniyak ni PBBM

MANILA, Philippines- Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutugunan ang problema sa power supply sa Occidental Mindoro.

“We’ll talk about the electricity problem, that’s a long-term problem that we really have to solve. Mahal na ngayon. We are connecting you to the other provinces para immediately bababa ‘yan,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang situation briefing.

Nauna rito, sinabi ni Vice Governor Anecita Diana Tayag na nakararanas na ang lalawigan ng problema sa electricity supply sa gitna ng El Niño phenomenon.

“Kami po ay nasa state of power crisis, napakamahal po ng presyo ng kuryente namin,” ayon kay Tayag.

Humingi naman na ng tulong ang lokal na pamahalaan sa Energy Regulatory Commission (ERC) sa gitna ng problema sa power supply.

Matatandaang noong nakaraang Abril 2023, dumanas ang lalawigan ng power crisis, dahilan para kagyat na magdeklara ng state of calamity. Ang 20-hour daily power outages sa Occidental Mindoro ay tumagal ng isang buwan at kalahati.

Samantala, sinabi naman ni Tayag na may 67% ng lupain ng lalawigan ang apektado ng matinding tagtuyot, nagresulta naman ng pagkalugi ng P900 milyong halaga sa sektor ng agrikultura.

Matatandaang nito lamang Marso, napaulat na ang mga bayan ng Looc, Magsaysay at San Jose ay inilagay sa ilalim ng state of calamity dahil sa El Niño phenomenon. Kris Jose