Home METRO Tulak nasakote sa P2M tobats sa Rizal

Tulak nasakote sa P2M tobats sa Rizal

129
0

RIZAL, Philippines – Isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang nasakote ng Drug Enforcement Team ng Cainta Municipal Police Station makaraang makumpiskahan umano ng shabu na humigit kumulang sa halagang 2 Million nang magsagawa ng Anti-illegal drug buy-bust operation kahapon sa Dogwood Street, Greenland Subd. Barangay San Juan Cainta, Rizal.

Ang suspek na pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya na nakilala sa alyas Hasim at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 and 11 Article II RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act 2002).

Base sa report ni PCol Eleazar Barber Provincial Director ng Rizal PPO kay PBGen Hansel M. Marantan Regional Director ng PRO4 CALABARZON dakong alas- 11:15 kagabi  nang ikasa ng mga awtoridad ang buy- bust operation matapos makipag  koordonasyon sa PDEA na nagresulta ng pagkaaresto sa suspek.

Narekober sa suspek ang 3 pirasong heat-sealed transparent plastic sachet, at 4 na pirasong knot-tied transparent plastic na naglalaman ng hinihinalang Shabu na tinatayang may timbang na 410 grams na nagkakahalaga ng Php 2, 788,000.00, bukod dito nabawi din sa suspek ang ginamit na budol marked money ng nagpanggap na posuer buyer.

Samantalang bago umano ikulong ang suspek ay dumaan muna ito sa

physical and medical examination sa Cainta Municipal Hospital, bukod dito dinala ang suspek sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa drug test examination. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here