Home METRO Tulak tigbak sa onsehan sa droga

Tulak tigbak sa onsehan sa droga

DALAGUETE- PATAY ang isang tulak ng iligal na droga matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek dahil umano sa onsehan sa iligal na droga, Miyerkules sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Josefino Limbaga Baldaveno, 32, at residente ng Upper, Barangay Caliongan, ng naturang bayan.

Batay sa report ng Dalaguete Municipal Police Station, bandang 11:00 AM ng maganap ang krimen sa nabanggit na lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nasa loob ng kanyang bahay ang biktima ng biglang dumating ang mga suspek sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ang biktima sa ulo at ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Ayon sa ina ng biktima, matagal ng nagbebenta ng iligal na droga ang anak at sinabihan na nitong tigilan nag na gawain subalit hindi ito nakinig.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen nakapulot sila ng tatlong basyo ng .45 kalibre na baril at pera.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ang pulisya para sa pagkakakilanlan sa mga suspek at agaran ikadarakip sa mga ito./Mary Anne Sapico

Previous articlePaborableng sarbey sa PH-US alliance ikinatuwa ni Año
Next articleJinggoy abswelto sa plunder case sa pork barrel scam; guilty sa bribery