Home NATIONWIDE Tulong ng PH gov’t sa mga biktima ng bagyo P1.1B na

Tulong ng PH gov’t sa mga biktima ng bagyo P1.1B na

MANILA, Philippines- Nakapagbigay na ang pamahalaan ng P1.1 bilyong tulong sa mga biktima ng kamakailang  tropical cyclones, ayon sa Presidential Communications Office (PCO) nitong Linggo.

Batay sa datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi ng PCO na kabilang sa tulong ang food at non-food items mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Office of the Civil Defense, local government units, at non-government organizations hanggang nitong Nobyembre 3.

Nagpalabas ang DSWD ng 1,013,777 family food packs sa mga rehiyong apektado ni Severe Tropical Storm Kristine at Super Typhoon Leon, ayon sa NDRRMC.

Samantala, patuloy ang paglilinis ng Department of Public Works and Highways sa mga kalsada, at pagtanggal ng bara sa drainages.

Samantala, nagsagawa naman ang Armed Forces of the Philippines’ Multinational Coordinating Center at ang Civil-Military Coordinating Center, ng 58 humanitarian sorties sa pakikipagtulungan sa ASEAN countries sa Bicol Region at lalawigan ng Batangas sa pamamagitan ng land, air, at naval assets. 

Nagpalabas ang Department of the Interior and Local Government ng alituntunin sa local chief executives, regional directors, Philippine National Police at sa Bureau of Fire Protection sa pag-iingat sa weather disturbances.

Nagdulot si Kristine ng malakas na hangin at pag-ulan mula Oct. 21 hanggang 25, nagresulta sa malawakang pagbaha at pagguho ng lupa, partikular sa Bicol Region.

Makalipas ang ilang araw, nanalasa si Leon sa lalawigan ng Batanes at iba pang bahagi ng northern Luzon.

Nakaapekto si Kristine at Leon sa kabuuang 2,200,731 pamilya o 8,630,663 indibidwal, base sa NDRRMC. RNT/SA