Home ENTERTAINMENT Tulong sa Cebu quake victims, mas bet idaan kay Vice!

Tulong sa Cebu quake victims, mas bet idaan kay Vice!

344
0

Manila, Philippines — Sumilay ang ngiti ng pag-asa ng marami sa ating mga mapagkawanggawang mamamayan nang pinangunahan ni Vice Ganda ang pagtanggap at pangongolekta ng tulong pinansyal para sa mga biktima ng lindol sa Cebu at ilang karatig-bayan sa bansa.

Sa X, isang netizen na may user name na SZ Yummy ang nag-post ng: “Getting old in the Philippines is full of uncertainties. Tama ka, Vice Ganda, tayu-tayo na lang ang nagtutulungan.”

Hindi doon natapos ang post ng user dahil aniya, nais niyang ipadaan ang kanyang tulong sa TV host-comedian.

Si Vice Ganda at ang AngatBuhay.ph lang daw ang kanyang pinagkakatiwalaan na tiyak na makakarating sa mga kinauukulan ang ido-donate niya.

Sinagot din ni Meme sa X si SZ Yummy: “Nakakaiyak. I’ll gladly accept your help for the madlang people. I’ll DM you for the details.”

Naunawaan naman ng mga netizen ang concern ng user, given the fact na laganap nga ang korapsyon sa bansa involving those in government.

Gayunpaman, may mga nagdi-discourage din na pairalin ang ganitong sistema.

Pag ipinasa raw kasi sa mga mamamayan ang pagtulong, lalo lang daw mawawalan ng silbi’t pakinabang ang mga pulitikong posible pa ngang magnakaw.

Tinatanong din ng user at ng ibang netizen si Vice Ganda kung may ilulunsad na donation drive ang It’s Showtime.

Ani Vice Ganda’y pag-iisipan nila ang hakbang na ito. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here