Home ENTERTAINMENT TV Patrol, mapapanood na muli sa channel 2!

TV Patrol, mapapanood na muli sa channel 2!

Manila, Philippines – Nag-trending ang statement ni ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak sa ginanap na pirmahan ng kontrata para sa pagpapalabas ng TV Patrol sa AllTV network ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS).

Pahayag ni Carlo, “I know there are some who feel that, who feel something over our return to our former channel. A home that was once ours.”

Fresh pa rin sa memory ng netizens, especially the solid Kapamilyas, kung paano napunta sa mga Villar ang Channel 2, na for 50 years and more ay channel ng ABSCBN sa free TV.

Anyway, ang partnership ng mga malalaking kompanya ay maghahatid ng mga minahal na entertainment program at makabuluhang balita sa mga manonood sa pamamagitan ng free-to-air channel na ALLTV.

Ginanap ang contract signing ceremony sa Brittany Hotel Villar City para sa content agreements na magbibiday-daan sa ALLTV na ipalabas ang ilang nostalgic Kapamilya shows sa ilalim ng Jeepney TV brand at ang longest-running primetime newscast sa bansa na TV Patrol.

Simula Mayo 13, mapapanood ng ALLTV viewers ang mga pinakatumatak at pinakapaboritong Kapamilya teleserye na handog ng Jeepney TV sa iba’t ibang oras pati na rin sa primetime pagkatapos ng TV Patrol.

Dumalo sa contract signing ang Chairman ng Villar Group na si Manny Villar, Sen. Mark Villar, Vista Land & Lifescapes Inc. president at CEO Paolo Villar, at All Value Holdings Corp. president at CEO Camille Villar, ang kinatawan ng AMBS ni sina president Maribeth Tolentino at CFO Cecille Bernardo.

Sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo, chief operating officer Cory Vidanes, Group CFO Rick Tan, at chief partnership officer Bobby Barreiro naman ang kumatawan sa ABS-CBN.

Layunin ng bagong partnership na maghatid ng saya at balita sa mga manonood ng ALLTV na available sa Channel 2 sa free TV, cable, at satellite TV nationwide. Julie Bonifacio