Home ENTERTAINMENT Serye sa GMA ni Bong, tatapusin na!

Serye sa GMA ni Bong, tatapusin na!

Manila, Philippines – Magkakaroon ng napakalaking pagbabago sa showbiz work schedule ni Bong Revilla.

Blame it on his torn Achilles tendon kung kaya’t he had to be immediately operated on.

The actor-senator sustained an injury sa kanyang Achilles tendon dahil sa buwis-buhay; bigay-todo niyang pagtakbo sa isang maaksyon at makapigil-hiningang eksena sa Alyas Pogi 4.

Dasal ni Bong na kasihan sana ng suwerte ang naturang pelikula para mapabilang sa walo o sampung opisyal na kalahok sa ika-50 taon ng Metro Manila Film Festival sa December.

Nakukuhang isingit lang ito ni Bong sa kanyang sked dahil mas focused siya ngayon sa TV adaptation ng kanyang action comedy film noon opposite his wife Lani Mercado.

As we all know, playing Bong’s leading lady is Beauty Gonzales.

Nag-resume na ito after the first season break and is airing on weeknights.

Kaso, dahil nga sa naoperahang tendon ni Bong for which he needs to rest nang mahaba-habang panahon ay mas mapapaaga ang pagtatapos nito.

As soon as he fully recovers from the operation ay babalik din ba agad ang kanyang weekend serye?

Paniniyak ni Bong, baka raw sa susunod na taon na muling mapapanood ang kasunod na bahagi.

Ikinalungkot nga ‘yon ng maraming sumusubaybay sa serye.

Kumbaga, sa kakakarir ni Bong sa pelikulang ilalahok niya sa pestibal, hayun, “nagkapeste-peste” tuloy ang schedule niya! Ronnie Carrasco III