Home NATIONWIDE UAE-PH defense deal vs cyber warfare threats pinaplantsa na – envoy

UAE-PH defense deal vs cyber warfare threats pinaplantsa na – envoy

MANILA, Philippines- Pinaplantsa na ang kasunduan na magpapalawak sa Philippine-United Arab Emirates (UAE) cooperation sa larangan ng tanggulan (defense), kabilang na ang kontrahin ang banta ng cyber warfare.

Sinabi ni Philippine Ambassador to the UAE Alfonso Ver na ang “Defense Agreement” ay makatutulong na mapadaling makakuha ng tradisyonal na mga armas at kagamitan laban sa cybersecurity warfare threats, at bagong teknolohiya, bukod sa iba pa.

Saklaw din nito ang posibleng pagsasanay at information exchange sa pagitan ng dalawang estado.

Sackabilang dako, hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si Ver sa usaping ito. Kapwa aniya umaasa ang dalawang gobyerno na malalagdaan ang kasunduan sa lalong madaling panahon.

Ang development na ito ay matapos na i-explore ng Maynila at Abu Dhabi ang mas marami pang areas of cooperation maliban sa isyu ng ‘migrasyon at langis.’ Kris Jose