Home NATIONWIDE 3.7K pulis handang magsilbing poll officers sa BARMM

3.7K pulis handang magsilbing poll officers sa BARMM

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes na 3,774 pulis ang nakahandang magsilbing board of election inspectors (BEIs) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa May 12 midterm elections.

Sa isang press conference sa Department of the Interior and Local Government building sa Quezon City, sinabi ni PNP Director for Police Community Relations Maj. Gen Roderick Augustus Alba, na ang mga pulis na ito ay bahagi ng 7,943 PNP personnel na sinanay bilang BEIs ng Commission on Elections (Comelec).

Ani Alba, mahigit 120,000 PNP personnel ang magbabantay sa 37,528 voting centers sa buong bansa.

Aniya pa, na-monitor ng PNP ang 362 election watchlist areas, mas mababa kumpara sa 941 noong 2019 at 844 sa 2022 elections.

“What we’re saying ay napakalaking basis ng aming deployment itong pagbaba ng election watchlist areas,” wika ni Alba.

Sinabi ng PNP na sa 362 areas of concern, 34 ang nasa “red” category o tinukoty ng Comelec na mga lugar na may seryosong armed threats at kasaysayan ng election-related incidents. RNT/SA