MANILA, Philippines – UMAASA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas magi-improve ang bilateral relations ng Pilipinas sa Tsina at Chile sa ilalim ng liderato ng mga bagong itinalagang ambassadors ng dalawang bansa.
Tinanggap ni Pangulong Marcos ang credentials nina Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan at Chilean Ambassador to the Philippines Felipe Alejandro Diaz Ibañez sa hiwalay na seremonya sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes.
Sa isinagawang presentasyon ng credentials ni Jing, sinabi ni Pangulong Marcos na ang Tsina ay “most important friends and partners” ng Pilipinas sa mundo.
“I’m sure that there will be many opportunities for us to make the relationship between our two countries stronger, deeper and more important as the years go by,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay Jing.
“I look forward to working with you in managing the differences and intensifying the cooperation between our two countries. Our differences should be the exception in our ties rather than the norm,” aniya pa rin.
Si Jing, isang seasoned Chinese diplomat, nagsilbi bilang minister at deputy chief of mission sa Chinese Embassy sa Estados Unidos bago pa umupo bilang bagong ambassador to Manila ng Beijing.
Mainit na tinanggap din ng Pangulo ang new envoy ng Chile, nagpahayag ng kumpiyansa na mai-enjoy ng Pilipinas ang matatag na ugnayan sa ilaim ng liderato ni Diaz.
“We are happy that an old friend of the Philippines has returned and the long and very fine relationship between our two countries will continue, and we would continue to promote an even longer and even closer relationship between our two countries,” ang sinabi naman ni Pangulong Marcos.
Pumasok si Diaz sa Chilean Foreign Service noong 1999 at nagsimula ang kanyang overseas career sa Embassy of Chile in the Philippines mula 2003 hanggang 2008, nagsilbi bilang consul at overseeing economic-commercial, cultural and cooperation affairs.
Bago pa ang kanyang pinakabagong pagtatalaga, nagsilbi si Diaz bilang Consul General ng Tacna, Peru ng Chile.
Naging pormal ang diplomatic relation ng Pilipinas at Chile noong 1946 habang 1975 naman sa Tsina.
Kapuwa naman nangako sina Jing at Diaz na palalakasin ang bilateral cooperation at friendly relations sa pagitan ng Pilipinas at kani-kanilang mga bansa. Kris Jose