Home HOME BANNER STORY Ugnayan ng PH, US ipagpapatuloy sa kabila ng pagbasura ng USSC sa...

Ugnayan ng PH, US ipagpapatuloy sa kabila ng pagbasura ng USSC sa taripa ni Trump

252
0

MANILA, Philippines – Ipagpapatuloy ng Pilipinas ang malapit na pakikipag-ugnayan sa United States upang mapanatili ang magandang relasyon ng dalawang bansa, kahit na ibinasura ng Supreme Court of the United States ang malawakang global tariffs ni Donald Trump, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na karamihan sa mga produktong iniluluwas ng Pilipinas sa US ay dati nang may zero tariff bago pa man ang pinakahuling desisyon ng korte.

Tinutukoy niya ang mahigit PHP1 bilyong halaga ng Philippine exports patungong US na hindi naapektuhan ng 19-porsiyentong headline tariff matapos ma-exempt ang ilang produkto, partikular ang agricultural goods, sa ilalim ng executive order na inilabas ni Trump noong Nobyembre 2025.

Ayon kay Castro, “[Finance] Secretary [Frederick] Go had previously explained that majority of our exports were already exempted even before this US SC decision.”

“We will continue to engage with the USA as it is an important trade and investment partner,” dagdag pa niya.

Sa botong 6-3, nagpasya ang US Supreme Court na ilegal ang sweeping global tariffs ni Trump dahil lumampas ito sa kanyang kapangyarihan sa ilalim ng International Emergency Economic Powers Act (IEEPA), isang batas noong 1977.

Binigyang-diin ng korte na ang US Constitution ay nagbibigay sa Kongreso, at hindi sa pangulo, ng eksklusibong kapangyarihan na magpataw ng buwis at import duties. Ginamit ni Trump ang IEEPA upang magpatupad ng taripa sa halos lahat ng trading partners ng US, dahil sa idineklara niyang national emergency kaugnay ng trade deficit. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here