MANILA, Philippines – Kinukumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat na isang Pilipino ang namatay habang nakikipaglaban para sa Russia sa digmaan sa Ukraine.
Inihayag ng Ukrainian Military Intelligence na ang Pilipino, na kinilalang si John Patrick, ay napatay sa Kramatorsk District sa Donetsk.
Ayon sa ulat, nagsilbi siya sa Russia’s 9th Battalion, 283rd Regiment, 144th Motorized Rifle Division sa ilalim ng 20th Combined Arms Army.
Sinabi ng ahensya ng Ukraine na namatay ang Pilipino sa isang tinatawag nilang “meat assault,” isang uri ng atake sa mga posisyon ng Ukraine na karaniwang may mataas na bilang ng casualties.
Wala pang kumpirmasyon mula sa DFA tungkol sa ulat.
Magkaharap na magkatunggali ang Ukraine at Russia mula nang ilunsad ng Russia ang full-scale invasion noong Pebrero 2022, na naging pinakamapaminsalang digmaan sa Europa mula pa noong World War II.
Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky, nasa 20 porsyento ng teritoryo ng Ukraine ang sinakop ng Russia. Dave Baluyot