Home HOME BANNER STORY Ulat ukol sa ‘Saturday classes’ fake news – DepEd

Ulat ukol sa ‘Saturday classes’ fake news – DepEd

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Department of Education (DepEd) ang kumakalat na ulat tungkol sa umano’y pagdaragdag ng Saturday classes mula elementarya hanggang senior high school, na tinawag nitong fake news.

“Fake news ang kumakalat na social media post tungkol sa umano’y pagdaragdag ng Saturday classes sa elementary hanggang senior high school,” ayon sa ahensya.

Nanawagan ang ahensya sa publiko na maging mapanuri sa mga maling impormasyon at sumangguni lamang sa kanilang opisyal na social media accounts para sa tamang anunsyo.

Nagsimula ang pasukan noong Hunyo 16 para sa School Year 2025–2026, na may humigit-kumulang 27 milyong enrollees. Santi Celario