Home METRO Ulo ng pahinante tinadtad ng katomang naburyong

Ulo ng pahinante tinadtad ng katomang naburyong

Bulacan – Arestado ang isang 23 anyos na lalaking helper na nawala sa katinuan matapos pagsasaksakin sa ulo ang kanyang nakaalitang kainuman sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang suspek na si Franklin Palermo, binata habang ang biktima ay si Edison Tamayo, 34, helper, kapwa residente ng Brgy. Poblacion 1.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo ng SJDM police station, naganap ang insidente bandang 9:30 ng gabi nitong Hulyo 7 sa Brgy. Poblacion 1.

Ayon sa imbestigasyon, sa kasagsagan ng inuman ng dalawa ay bigla na lamang hindi sila nagkaintindihan hanggang sa nauwi sa mainitang pagtatalo.

Walang kaabog-abog na tinulak ng biktima ang suspek kaya umalis ito at kumuha ng kitchen knife.

Ilang saglit lang ay bumalik ang galit na galit at buryong na suspek sa lugar hanggang sa tadtarin ng saksak sa ulo ang biktima.

Dahil dito, agad na humingi ng saklolo sa mga awtoridad ang mga kapitbahay kaya nadala sa pagamutan ang biktima para sa paunang lunas at nahuli ang suspek kalaunan.

Nahaharap ang suspek sa kasong Frustrated Homicide habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III