Home HOME BANNER STORY Underwater search tinigil na; 65 dedo, 14 nawawala sa MV Trisha Kerstin...

Underwater search tinigil na; 65 dedo, 14 nawawala sa MV Trisha Kerstin tragedy

151
0

MANILA, Philippines – Tinuldukan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang full underwater search sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3 matapos ang 27 araw ng high-risk deep-water wreck diving operations sa karagatan malapit sa Baluk-Baluk Island sa Basilan.

Ayon sa PCG, nakarekober ang kanilang technical divers ng kabuuang 22 cadavers mula sa iba’t ibang bahagi ng barko mula noong Enero 28, 2026.

Sinabi ni Coast Guard District Southwestern Mindanao Commander Commodore Rejard Marfe na naharap ang mga diver sa mapanganib na kondisyon habang isinasagawa ang operasyon.

“Since January 28, 2026, PCG technical divers have worked through strong underwater currents, near-zero visibility due to heavy siltation, submerged hazards, and the vessel’s structural instability for the recovery of 22 cadavers from various sections,” ani Marfe.

“Despite these conditions, the PCG-TDG systematically searched Deck A, Deck B, the car deck, including vehicles on board, and the engine room, which was penetrated despite oil contamination and scattered debris causing limited visibility,” dagdag niya.

Ipinakita rin ng underwater assessment na nakatagilid sa kaliwang bahagi ang barko, habang nananatiling buo ang hull at ramps nito at walang nakitang external fractures. Ilang sasakyan sa car deck ang bahagyang gumuho at nakatagilid, na nagdulot ng karagdagang hadlang sa pagpasok ng mga diver.

Bagama’t nakumpleto na ang paghahanap sa buong barko, magpapatuloy ang diving operations hanggang Pebrero 26, 2026 upang magsagawa ng re-swiping procedures at matiyak na walang bahaging hindi nasuri. Lahat ng operasyon ay naitala sa pamamagitan ng underwater video recordings bilang bahagi ng imbestigasyon.

Batay sa tala ng PCG noong Pebrero 22, umabot na sa 65 ang nasawi, 293 ang nakaligtas, at 14 ang nawawala.

Sinabi ng Department of Transportation na posibleng nakatulong ang overloading sa paglubog ng barko at naghahanda ito ng administrative cases laban sa Aleson Shipping Lines upang kanselahin at bawiin ang Certificate of Public Convenience nito. Ayon din sa ahensya, tatlong opisyal ng Maritime Industry Authority ang direktang sangkot sa pag-isyu ng safety certificates ng barko.

Samantala, anim na Coast Guard personnel ang inilagay sa preventive suspension habang nagpapatuloy ang hiwalay na imbestigasyon.

Umalis ang barko mula Zamboanga City patungong Jolo, Sulu noong gabi ng Enero 25 ngunit lumubog sa karagatan ng Basilan kinabukasan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here