MANILA, Philippines – Opisyal na nilunsad ang Unified 911 ngayong Huwebes, Setyembre 11, 2025 sa PLDT Sampaloc, Manila.
Pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang nasabing launching nito katuwang ang PLDT.
Sinabi ni Remulla na katuwang ang PLDT sa sama-samang pagtugon ng mga first responder mula sa PNP, BFP, at BJMP.
Malaking tugon ito sa dating problema na magkakaiba ang emergency number na tinatawagan.
Dagdag pa rito, inaasahang masosolusyonan ng bagong sistema ang pagkakaroon ng 60% na prank calls sa kada 100 tawag kada araw na natatanggap ng dating 911 hotline number. Jocelyn Tabangcura-Domenden







