MANILA, Philippines – Iginiit ni Senator Ping Lacson na nai-insert sa Senado o bicameral conference committee (bicam) ang P355-milyong pondo para sa flood control projects ng Bulacan sa 2025 national budget.

Sa isang media briefing, sinabi niya na wala umano sa bersyon ng House of Representatives ng 2025 General Appropriations Bill ang naturang budget insertions. Ngunit tinutukoy pa umano nila kung Kongresista o Senador ba ang proponent nito.

Idinawit ni dating DPWH assistant district engineer Brice Hernandez sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Joel Villanueva sa naturang anomalya. Nagbaba raw ng P355 milyon si Estrada sa ilang proyekto sa Bulacan ngayong taon. CESAR MORALES