Nagsagawa ng kilos protesta ang mga health workers mula sa ibat-ibang pampublikong ospital sa Metro Manila sa Department of Budget and Management (DBM) upang kondenahin ang Executive Order No 64 o ang “Updating the Salary Schedule for Civilian Government Personnel and Authorizing an Additional Allowance, and for other Purposes” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Inilarawan ng Alliance Workers ang EO na hindi makatarungan at hindi nakakainsulto sa mga dedikadong public health workers at iba pang empleyado ng gobyerno na buong buhay na nagseserbisyo sa bansa, lalo na sa panahon na may banta sa kalusugan at krisis sa ekonomiya.
“The EO64 of PBBM is unacceptable and unjust. We have been working tirelessly on the front lines, often risking our own health and safety for the well-being of the patients we served. The P530 monthly increase will not alleviate health workers and other government employees worsening economic situation. It will be eroded by tax and monthly premium contributions such as GSIS,Pag-ibig and PhilHealth . Essentially, there is no substantial salary increase in Marcos administration ,” sabi ni Salky Ejes, isang clerk at presidente ng Philippine Heart Center Employees Association-Alliance of Health Workers.
Ayon sa mga health workers, kung talagang nais ng administrasyon ng unahin ang health care, bakit kailangan pang dumaan ang mga empleyado sa HMO type-benefitv tulad ng Medical Allowance.
Anila, bakit hindi ito gawing free medical treatment at free hospitalization para sa lahat ng empleyado ng gobyerno.
Bukod dito, hirit din ng public health workers sa DBM ang agarang paglabas ng kanilang long overdue nang Performance Based Bonus para sa taong 2021 hanggang 2023.
Ayon kay Ejes, ang sobrang pagkakaantala sa kanilang bonuses ay nakakadagdag sa hirap sa pananalapi na kinakaharap ng maraming public health workers na naging dedikado sa pag-aalaga ng iba.
“Umaapela kami sa DBM na huwag kaming idamay sa kapalpakan ng opisina ng DOH Sentral kung kaya’t hindi silanakakatanggao ng Performance Based Bonus . Kaming mga health workers ay nagtrabaho ng buong puso at walang kapaguran lumalagpas pa sa 8-16 oras ang aming pagtatrabaho. Thus, release our much-awated PBB now!” , pahayag pa ni John Paul Gubatan– ang Vice President ng Jose Reyes Memorial Medical Center Employees Union-Alliance of Health Workers.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)