Home METRO UP Baguio binulabog ng bomb threat

UP Baguio binulabog ng bomb threat

170
0
(c) Leia Castro-Margate

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng University of the Philippines Baguio ang klase at trabaho nitong Miyerkules matapos makatanggap ng bomb threat ang ilang estudyante at guro sa pamamagitan ng anonymous email.

Ayon sa pahayag ng UP Baguio sa social media, natanggap ang mga banta alas-11:41 ng umaga at 11:46 ng umaga sa email account ng University Student Council at sa email ng isang faculty member.

Iniutos ni UP Baguio Chancellor Joel Addawe ang agarang paglikas ng mga estudyante, guro, at kawani patungo sa Oblation Grounds at Baguio Convention Center.

Nagdeploy naman ng mga tauhan mula sa Philippine National Police Bomb Disposal at K-9 units upang magsagawa ng inspeksyon sa lugar. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here