Home NATIONWIDE UPDATE: Patay sa pamamaril sa Moscow, 60 na!

UPDATE: Patay sa pamamaril sa Moscow, 60 na!

RUSSIA – Umakyat na sa 60 ang nasawi at mahigit 100 ang sugatan sa mass shooting sa isang concert venue sa Moscow, Russia nitong Biyernes ng gabi, Marso 22.

Ayon sa Ministry of Emergency Services ng Russian Federation, maaaring tumaas pa ang bilang ng mga nasawi.

Bukod sa pamamaril, nakapagtala rin ng sunog sa Crocus City Hall na venue ng concert.

Mahigit dalawang oras bago tuluyang naapula ang apoy sa tulong ng 3 helicopter at mahigit 100 firetruck.

Dahil sa pag-atake, pinakansela na ni Sergey Sobyanin, mayor ng Moscow, ang lahat ng aktibidad ngayong weekend. RNT/JGC

Previous article1M doses ng pertussis vaccine darating sa Hunyo – DOH
Next articleHindi nagbayad ng utang, tinodas