Home NATIONWIDE Uploader ng viral video susuportahan ng DOTR sa kasong isinampa ng GV...

Uploader ng viral video susuportahan ng DOTR sa kasong isinampa ng GV Florida

MANILA, Philippines – Kinondena ni Transportation Secretary Vince Dizon ang umano’y malinaw na kaso ng panghaharass laban sa uploader ng viral video na nagpapakita ng anim na pampasaherong bus ng GV Florida na tila nagkakarerahan sa highway sa Isabela noong Hunyo 8.

“For the one who uploaded the video, we assured him yesterday that the government will protect them and that we will provide them with legal assistance against the threat of GV Florida to sue them,” ani Dizon.

Dagdag pa niya, inatasan na rin umano nito ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na balaan ang GV Florida na “if they pursue [the case], they will go [up] against the Department of Transportation (DOTr) and the government.”

Nauna nang sinabi ng kompanya ng bus na kakasuhan nila ang uploader dahil sa cyberlibel kasunod ng pagsuspinde ng DOTR ng isang buwan sa 15 mga bus nito na bumibiyahe patungong Cagayan at Cordillera region. RNT/JGC